Programa sa Pagkain para sa Pangangalaga ng Bata at Nasa Hustong Gulang

Ang Child and Adult Care Food Program (Programa sa Pagkain para sa Pangangalaga ng Bata at Nasa Hustong Gulang, CACFP) ay isang Programa sa Nutrisyon ng Bata na pinopondohan ng estado at pederal na pamahalaan na idinisenyo upang magbigay ng masusustansyang pagkain at meryenda na inihahain sa mga sanggol, bata, at nasa hustong gulang. Ang mga tagapagkaloob ng CACFP ay binabayaran para sa mga inihahaing pagkain at meryenda. Layunin ng programa ang mapabuti ang kalusugan at kagalingan ng mga kalahok. Pinangangasiwaan ng Sangay ng CACFP ng California Department of Social Services (CDSS) ang programa sa California.

Mga Paksa ng Programa

Alinsunod sa pederal na batas sa karapatang sibil at mga regulasyon at patakaran sa karapatang sibil ng US Department of Agriculture (USDA), ipinagbabawal ng institusyon ang magdiskrimina batay sa lahi, kulay ng balat, bansang pinagmulan, kasarian (kabilang ang pagkakakilanlan ng kasarian at oryentasyong sekswal), kapansanan, edad, o paghihiganti o pagganti para sa nakaraang aktibidad sa mga karapatang sibil.

Maaaring makuha ang impormasyon tungkol sa programa sa mga wika maliban sa Ingles.  Ang mga taong may kapansanan na nangangailangan ng alternatibong paraan ng komunikasyon upang makakuha ng impormasyon tungkol sa programa (hal., Braille, malaking limbag, audiotape, at American Sign Language) ay kailangang makipag-ugnayan sa responsableng ahensya ng estado o lokal na pamahalaan na nangangasiwa sa programa o sa TARGET Center ng USDA sa (202) 720-2600 (voice at TTY) o makipag-ugnayan sa USDA sa pamamagitan ng Pederal na Serbisyong Relay sa (800) 877-8339.

Upang magsampa ng reklamo sa diskriminasyon sa programa, dapat kumpletuhin ng Nagrereklamo ang Form AD-3027, Form ng Reklamo sa Diskriminasyon sa Programa ng USDA na maaaring makuha online sa: https://www.usda.gov/sites/default/files/documents/ad-3027.pdf, mula sa alinmang tanggapan ng USDA, sa pamamagitan ng pagtawag sa (866) 632-9992, o sa pamamagitan ng pagsulat ng liham na naka-address sa USDA.  Ang liham ay kailangang maglalaman ng pangalan, address, numero ng telepono ng nagrereklamo, at nakasulat na may sapat na detalyeng paglalarawan ng di-umano’y pagkilos na mapandiskrimina upang ipaalam sa Assistant Secretary for Civil Rights (ASCR) ang tungkol sa katangian at petsa ng di-umano’y paglabag sa mga karapatang sibil.  Ang nakumpletong AD-3027 form o sulat ay dapat isumite sa USDA sa pamamagitan ng:

  1. koreo:
    U.S. Department of Agriculture
    Office of the Assistant Secretary for Civil Rights
    1400 Independence Avenue, SW
    Washington, D.C. 20250-9410; o 
  2. fax:
    (833) 256-1665 o (202) 690-7442; o
  3. email:
    Program.Intake@usda.gov

Nag-aalok kami ng libreng interpretasyong pasalita, mga serbisyo sa wikang pasenyas, at
nakasulat na pagsasalin ng nilalaman na nasa wikang Ingles kapag hiniling.
Ang institusyong ito ay tagapagbigay ng pantay na oportunidad.

Child and Adult Care Food Program Logo, hands holding a heart shaped apple

Contact

CDSS Child and Adult Care Food Program

744 P Street, MS 9-13-290

Sacramento, CA

(833) 559-2418
CACFPInfo@dss.ca.gov

Related Content

Mga Pagsasalin ng Pahinang Ito