Mga Karapatang Sibil sa CACFP
Sa ibaba ay makikita mo ang impormasyon tungkol sa mga patakaran at pamamaraan ng Food & Nutrition Service (FNS) ng U.S. Department of Agriculture (USDA) tungkol sa hindi pagdidiskrimina sa pangangasiwa ng Child and Adult Care Food Program (CACFP).
Pahayag ng Walang Diskriminasyon sa Pederal na Pamahalaan (NDS)
Ang mga tagapagpatakbo ng CACFP ay kailangang isama ang pinakabagong bersyon ng pahayag ng walang deskriminasyon ng pederal na pamahalaan sa lahat ng kitang-kitang lokasyon sa lahat ng inilalabas ng publiko, mga publikasyon, at mga poster tungkol sa mga aktibidad ng programa ng nutrisyon, maliban sa mga menu. Ang kasalukuyang pahayag ng walang discriminasyon, kasama ang mga pagsasalin ng pahayag, ay matatagpuan sa web page ng USDA sa Pahayag ng Walang Diskriminasyon.
Maikling Pahayag
Nababasa maikling pahayag ang, "Ang institusyon na ito ay tagapagbigay ng pantay na oportunidad." Ang maikling pahayag ay maaaring gamitin sa mga flyer, poster, o mga dokumento na isang pahina nang ayon sa uri, sa font na hindi bababa sa teksto.
Seksyon 504
Ang Seksyon 504 ng Rehabilitation Act ng 1973 ay isang pederal na batas sa mga karapatang sibil nagbabawal ng diskriminasyon laban sa mga indibidwal na may kapansanan. Para sa karagdagang impormasyon tungkol sa Seksyon 504, mangyaring bisitahin ang ipinapaskil ng National Archives na Title 7, Code of Federal Regulations, Subtitle A, Part 15b. Ang web page na ito naglalaman ng teksto ng Batas gaya ng nalalapat sa lahat ng programa o mga aktibidad na tumatanggap na pederal na pinansyal na ibinibigay ng USDA.
Mga Materiyales para sa mga Karapatang Sibil
- Online na Kurso at Workbook ng Kalahok ng California Department of Social Services (CDSS) Bright Track Civil Rights Training para sa mga Programang Pangnutrisyon ng mga Bata. Ang mga kawani ng CACFP na wala pang Bright Track account ay maaaring kumpletuhin ang taunang kinakailangang pagsasanay sa mga karapatang sibil (alinsunod sa Food and Nutrition Instruction 113-1: Civil Rights Compliance and Enforcement) sa pamamagitan ng pagpili ng bersyong Ingles o Espanyol ng kursong Civil Rights Training for Child Nutrition Programs at ang kasama nitong workbook ng kalahok sa ibaba. Sa pagtatapos ng kurso, ang mga indibidwal ay hihilinging kumpletuhin ang isang online na form upang sila ay makatanggap ng isang sertipiko ng pagkumpleto na may petsa sa pamamagitan ng email.
Bersyong Ingles
(Workbook ng kalahok sa Ingles)
Bersyong Espanyol
(Workbook ng kalahok sa Espanyol)
- And Justice for All Poster: Ang mga poster ng “And Justice for All” ay kailangang mai-display nang kitang-kita sa pampublikong lugar sa lahat ng site na nagsisilbi ng mga pagkain ng CACFP. Ang poster ay kailangang nakikita ng mga kalahok at mga miyembro ng kanilang pamilya o mga tagapag-alaga. Ang mga poster ay kailangan may lapad na 11” at taas na 17” at maaaring ma-order nang walang bayad sa mga operator ng programa sa pamamagitan ng pakikipag-ugnayan sa amin sa CACFPCivilRights@dss.ca.gov.
- Ang Medikal na Pahayag para Humiling ng mga Espeyal na Pagkain at/o Akomodasyon sa CACFP (Form ID CACFP 97). Ang mga Tagapagpatakbo sa CACFP ay maaring gamitin ang form na ito, makukuha ito sa Ingles at Espanyol sa seksyon ng Download Forms Child Nutrition Information and Payment System (CNIPS), para makamit ang antas ngdokumentasyon na kinakailangan para maipatupad ang makatwirang plano ng nutrisyon para sa mga kalahok na may mga restriksyon sa pagkain dahil sa kapansanan.
Mga Reklamo Hinggil sa mga Karapatang Sibil at Programa
Ang mga reklamo ay maaring isumite sa Sangay ng Child and Adult Care Food Program (CACFP) gamit ang Form para sa Pagsusumite ng Reklamo.
Mangyaring Tandaan: Ang form na ito ay para maisumite mo ang mga reklamong may kaugnayan sa CACFP. Ang anumang mga reklamo na may alegasyon sa diskriminasyon ay ipapadala sa USDA para maimbestigahan.
Kung mayroon kang mga katanungan tungkol sa paggamit ng form na ito, o mas nanaisin mong magsumite ng reklamo sa pamamagitan ng telepono o email, mangyaring makipag-ugnayan sa Sangay ng CACFP sa 916-651-5400 o mag email sa cacfpinfo@dss.ca.gov.
Mga Mapagkukunan ng Tulong at/o Impormasyon Hinggil sa Karapatang Sibil
Mga Gabay sa mga Karapatang Sibil
Mga Kokontakin sa USDA
Ang institusyon na ito ay tagapagbigay ng pantay na pagkakataon.