Pag-access ng Wika sa CDSS

Ang Iyong mga Karapatan...

May karapatan ka sa libre at napapanahong interpretasyon (berbal at pinirmahan) at mga serbisyo sa pagsasalin.

Inaatas ng batas ng Estado at Pederal sa amin na magkaloob sa inyo ng libreng serbisyo sa interpretasyon at isalin ang impormasyon para sa mga indibidwal na may limitadong katatasan sa Ingles (limited English proficiency, LEP ).  Ito ay para tiyakin na nauunawaan mo ang iyong mga benepisyo, karapatan, at responsibilidad at kayang ganap na makilahok sa aming mga programa.

Dapat kaming magkaloob ng epektibong komunikasyon para magamit ng mga indibidwal na LEP ang aming mga serbisyo at programa ng gobyerno. Ipinagbabawal namin ang diskriminasyon sa paghahatid ng mga serbisyong pampubliko.

Mga Programa ng CDSS

Nagsisilbi, tumutulong, at nagpoprotekta sa mga nangangailangan at mahihinang bata at nasa hustong gulang ang CDSS sa mga paraang nagpapalakas at nagpepreserba ng mga pamilya, naghihikayat ng personal na responsibilidad, at nagtataguyod ng kakayahang mag-isa.

Kabilang sa mga programa ng Kagawaran ang:

  • Mga benepisyong pagkain (kabilang ang CalFresh, California Food Assistance Program, SUN Bucks )
  • Mga benepisyong pera (kabilang ang CalWORKs, Cash Assistance Program for Immigrants, Refugee Cash Assistance, Trafficking and Crime Victims Assistance Program )
  • Paglilisensya ng mga pasilidad na nagsisilbi sa mga bata at nasa hustong gulang
  • Mga programa sa pabahay at kawalang tirahan
  • Pangangalaga ng bata at nutrisyon
  • Pansuportang Serbisyo sa Tahanan
  • Mga serbisyo para sa mga foster parent , foster youth , at pamilya
  • Pangangasiwa ng pag-aampon
  • Pag-iwas sa pang-aabuso sa bata

Ang Kagawaran ay nangangasiwa ng mga programa na nakakaapekto sa halos 8 milyon ng mga residente ng California at kinabibilangan ng higit sa 5,000 empleyado na matatagpuan sa mga opisina sa buong estado, nakikipag-partner sa 58 county welfare department at ilang organisasyon na nakabase sa komunidad.

Makipag-ugnay sa Amin

Mga Serbisyo sa Pag-access sa Wika

Upang matuto nang higit pa tungkol sa Language Access ng CDSS mangyaring suriin ang aming Language Access Plan

Kung mayroon kang anumang mga katanungan tungkol sa Language Access Plan ng CDSS makipag-ugnay sa:

LAP@dss.ca.gov

Mga Pagsasalin ng Pahinang Ito

Ang web page na ito ay available din sa mga sumusunod na wika: